Isang protesta laban sa R.H. bill na pinangunahan ng Iglesya Katolika sa Quirino Grandstand sa Maynila.
May isang kontrobersyal na bill sa Pilipinas at iyon ay ang Reproductive Health bill. Maraming pabor dito tulad nina Carlos Celdran at ang representatibo ng Akbayan na si Risa Baranquel. May mga hindi naman pabor dito tulad nina Arsobispo Gaudencio Kardinal Rosales at dating mayor ng Lunsod ng Maynila na si mayor Jose Livioko Atienza, Jr. o mas kilala sa tawag na "Mayor Lito Atienza." Narito ako upang ipahayag ang aking sariling pananaw sa Reproductive Health bill.
Mahalaga ang buhay. Iyan ang ating tandaan. Ngayon, ating isaalang-alang ang mga sumusunod na katotohanan:
1. Kapag walang nag-siping, walang sanggol.
2. Kung gumamit ng condom habang nagsisiping, mapipigilan ang konsepsyon/pertilisasyon.
3. Kapag uminom ng pill bago magsiping, mapipigilan ang konsepsyon/pertilisasyon.
4. Ang pagpapalaglag ay pagpatay.
5. Ang pagpatay ay pinagbabawalan ng Diyos [Deuteronomio 5:17]; ang aborsyon ay pinagbabawalan ng Diyos.
Kailangan ba ang Reproductive Health bill. Para sa akin, hindi na kinakailangan ang R.H. bill. Bakit? Una sa lahat, itinatakda ng R.H. bill ang pamimigay ng mga libreng kontrasepyon [hal. condom at pill]. Kapag gumamit ng kontrasepyon, mapipigilan ng konsepsyon/petilisasyon. Tandaan, ang buhay ay nagsisimula sa konsepsyon/pertilisasyon. Ibig sabihin, kapag gumamit ng kontrasepyon, pinigilan mo ang buhay. Ikalawa, ang mga Pilipino ay kailangan lamang disiplinahin. Kailangan ng ibang Pilipino ng disiplina. Bakit? Una, tingnan mo ang unang katotohanang binanggit sa itaas. Kapag hindi makipag-siping, walang sanggol. Ikalawa, kailangan mong maging responsable kapag ika'y makikipagsiping. Hindi tama ang makipagsiping ng walang sapat na pera/trabaho upang palakihin ang inyong anak na magagawa na nababalot ng kaniyang mga karapatan. Ikatlo, sabi ni NoyNoy noong siya'y nangangampanya ay "Kung walang kurap, walang mahirap." Iyan ang totoo, hindi "Kung kaunti ang populasyon, walang mahirap." Kahit kaunti ang populasyon, may mahirap pa rin. Unahin muna sana ng Pambansang Asemblea ang pag-aksyon sa mga kurakot na pulitiko/pulitika.
Ang Reproductive Health bill ay hindi kailangan upang makamtan ang ating mga pangarap o kaya nama'y maipagpatuloy ang ating pagaaral. Disiplina sa sarili ang kailangan. Tandaan ang sabi ng Diyos sa Biblia:
"Huwag kang papatay." (Deuteronomio 5:17, Magandang Balita Biblia ng 1980)
No comments:
Post a Comment